Download File

32 downloads 202 Views 18KB Size Report
Papalabas si Francis Santiago ng school nya ng may mapansin syang babae.. pamilyar ang babae sa kanya.. nakaputi, mahaba ang buhok. Nanlaki ang mata ...
Papalabas si Francis Santiago ng school nya ng may mapansin syang babae..

pamilyar ang babae sa kanya..

nakaputi, mahaba ang buhok.

Nanlaki ang mata nya ng humarap sa kanya ang babae at tinignan sya.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Francis. Nginitian din sya ng dalaga. Tumakbo si Francis papunta sa dalaga at niyakap ng mahigpit. Dalawang taon..

dalawang taon na ang nakalipas simula nung huli silang nagkita. Naghiwalay sila noon sa kadahilanang kailangan pumunta ng dalaga sa states para sa operasyon sa mata ng kanyang ina. Nangako sila sa isa't-isa na kahit magkalayo sila ay hindi sila maghihiwalay. Na maghihintay ang binata sa dalaga kahit gano katagal.

Ngunit sa loob ng dalawang taon, hindi nagparamdam ang dalaga sa binata. Walang tawag, email, text o chat. At ngayong nakita na muli ng binata ang dalaga, labis labis ang kanyang kasiyahan. Ang babaeng ito ay si Danica Marie Estrella.

Ilang lingo ang lumipas at hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Palagi silang magkasama, namamasyal at lumalabas. Kung san san sila pumupunta. Nakalimutan na ng binata ang kanyang pag-aaral. Nagcutting classes sya at bihira na ring umuwi sa kanilang tahanan. Isang araw habang magkasama ang dalawa sa plaza...

"Alam mo bang gustong gusto ko ang oras na 1:43 PM?"

Panimula ng dalaga..

"Gusto ko din yun.. diba yun yung oras na sinagot mo ako noon?"

"Bukod dun.. may iba pang dahilan."

"Ano naman yun?"

"1:43 PM .. ibig sabihin.. 143, Peksman, Mamatay man."

Biglang kinilabutan ang binata sa sinabing iyong ng dalaga. Bago pa sila maghiwalay ay sinabihan ng dalaga ang binata na pumunta sa kanila.. gustong makita ng ina ng dalaga ang binata. Tutal ay dun pa rin naman nakatira ang dalaga sa dati nitong tahanan. Pagkadating ng binata sa kanilang bahay ay pinagalitan sya ng kanyang magulang dahil lahat ng grades nito sa school ay bagsak.

Sa sobrang sama ng loob ng binata ay umalis sya ng bahay nila.. agad syang pumunta sa tahanan ng dalaga. Pagdating nya sa bahay ng dalaga ay agad syang niyakap ng ina ng kasintahan. Nagkamustahan at nagkwentuhan.

"Asan po si Danica?"

"Asa taas.. nagpapahinga :)) Osha, maghahanda lang ako ng makakakain mo. Hintayin mo na lamang syang magising."

"Sige ho :)"

Nang maiwan ang binata sa sala ay tumingin sya sa orasan. 1:30 na ng hapon. Nakaramdama ng kakaibang kaba ang binata. Marahil gustong gusto na nyang makita ang dalaga. Kahit kanina lang sila magkasama ay namimiss na nya kagad ito.

May kung ano ring humahatak sa binata mula sa 2nd floor ng bahay. Tinignan ng binata kung anong ginagawa ng ina ng dalaga. Mukhang matagal pa naman.. nilandas muna ng binata ang 2nd floor ng bahay.. gustong gusto na nyang makita ang dalaga. At nang nakita na nya ang kwarto ng dalaga ay agad syang kumatok. Ngunit napansin nyang bukas ang kwarto..

Agad syang pumasok. Hindi nagbabago ang itsura ng kwarto ng dalaga. Napangiti sya ng makita nyang nakahiga ang dalaga at nakatalukbo ng kumot. Walang pinagbago, ganun pa rin syang matulog.

Pinagmasdan muna ng binata ang kabuuan ng kwarto.. tinignan nya ang mga librong naroon.. ngunit pagkuha nya ng isang libro ay may mga papel na naglaglagan.

Pinulot nya ang mga papel..

ngunit may pumukaw ng atensyon nya..

Napatayo sya habang hawak hawak ang isang piraso ng papel.. binasa nya ang nakasulat..

DEATH CERTIFICATE..

Nanlaki ang mga mata ng binata...

|DANICA MARIE ESTRELLA.

CAUSE OF DEATH: AIRPLANE CRASH

PLACE OF DEATH: UNITED STATES

DATE OF DEATH: APRIL 04, 2010

TIME OF DEATH: 1:43 PM|

Nabitawan ng binata ang papel.. labis na pagkalito.. namutla sya, natakot, nanginig.. naglakad sya papaatras.. papaatras hanggang mapaupo sya sa kama na hinihigaan ng dalaga. Agad syang napatayo..

Napaisip sya.. kung patay na nga ang dalaga.. sinong nakakasama nya araw-araw? Sino ang babaeng nakahiga ngayon dito?

Dahan dahan nyang tinanggal ang kumot ng dalaga.. at nang tuluyan na nyang maiangat ang kumot..

ISANG BANGKAY!!

Labis na nagulat ang binata at halos mangiyak ngiyak na ngunit naramdaman nyang may humawak ng balikat nya.. dahan dahan syang lumingon.. pagkalingon nya .. nakita nya si Danica.. nakatungo, nahaharang ang ng buhok sa kanyang mukha..

"Danica..."

Agad tumunghay ang babae ngunit nagulat ang binata ng makitang namumutla ang babae, namumula ang mata at duguan!!

Napaatras ang binata habang papalapit ang babae sa kanya at sinasabing..

"MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN!"

Papatras pa ring ang lalaki..

"MAHAL KITA, PEKSMAN! MAMATAY MAN! MAGSASAMA TAYO HANGGANG KABILANG BUHAY!!!!"

Hanggang sa macorner ang binata at napasandal.. Napasandal ang binata sa isang sirang silya.. tumusok ang kanyang likuran sa makalawang na bakal nito..

Bago pa sya tuluyang bawian ng buhay,..

tumingin sya sa orasan..

1:43 PM

......

Habang naglalaro ng tagu-taguan ang mga kabataan sa isang lumang bahay..

napasigaw sa takot ang isang batang lalaki nang makita nyang may dalawang bangkay na nakahiga sa isang kama!!

Simula noon.. nabaliw ang batang lalaki. Paulit-ulit nyang sinasabi..

"Titingin ka sa orasan, makikita mo 1:43 PM.. ihanda mo ang iyong sarili sa kamatayan.. 1:43 PM, kamatayan.. kamatayan.. 1:43 PM, saktong tingin mo sa orasan.. kamatayan.. 1:43 PM."